Bob Ong Quotes

Bob Ong Quotes


Nasa matino na 'kong buhay. Nasa matino na 'kong eskwelahan, umalis pa 'ko. 
Nagkaroon ako ng matinong trabaho, iniwan ko. 
Di ko maintindihan kung risk taker ako o sadya lang talagang bob*.


"Hindi ba malaking pagkakamali ng maraming eskwelahan na gawing 
0 to 10% lang ang "character" sa computation ng grades gayong character
ang humuhulma sa tao, pamilya, bansa, mundo at kasaysayan?"


mahirap magpatupad ng batas 
pero madali lang magpatupad ng violations
kapag oras na ng sisihan


Ano namang mapapala mo kakaisip sa nakaraan at sa mga pwede pang mangyari?
Wala ka naman sigurong super powers para maibalik ang nakalipas na.
Dapat matuto kang pahalagahan ang mga nangyayari sa'yo sa kasalukuyan.
Isipin mo yung ngayon. I-enjoy mo lang ang buhay. Wag kang emo.
Hindi ka talaga magiging masaya kung di mo tutulungan ang sarili mo. Natural lang
na makaramdam ng lungkot paminsan-minsan pero ang pagiging miserable?
Wag kang hibang choice mo yan.


Naniniwala ako sa isang prinsipyo sa Psychology 
na nagsasabing para makuha mo ang gusto mo,
kailangan nakatatak ito sa isip mo ng buong buo. Visualized!
-bob ong quotes


Nalaman kong maswerte ako dahil pinaglaro 
at pinag-aral ako ng mga magulang ko
nung bata pa ako. Hindi pala lahat ng bata 
eh dumadaan sa kamusmusan. -


Nalaman kong mali ang laging namimigay ng pad paper 
sa mga kaklaseng linta na 
hindi bumibili ng paper kahit may pambili


Bob Ong Quotes


"minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay,
kasi hindi ikaw ang priority" 


"Paano ko sila pasasalamatan kung ngayon
ko lang naintindihan ang mga itinuro nila?"


"Minsan kailangan mong maging 
malakas para amining mahina ka" - bob ong quotes 


“hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa, 
kundi and pagtanggap na sa bilyong-bilyong tao sa mundo, 
wala man lang nakipaglaban upang makasama ka..”


“Wag mawawalan ng gana sa buhay. Kung ano yung galling mo, kulit mo,
lakas ng sigaw at tuwa mo sa mga laban ng UAAP, NCAA, 
mga sports fest o concert ng paborito mong banda, 
wag mong iwawala hanggang sa pagtanda.


“parang elevator lang yan eh, bakit mo 
pagsisiksikan yung sarili mo kung wala ng pwesto 
eh meron namang hagdan, ayaw mo lang pansinin”


“Pag di ka mahal ng taong mahal mo, 
huwag kang magagalit. Kasi may mga tao rin na mahal na mahal 
ka pero hindi mo sila makuhang mahalin. 
Kaya kwits lang.” - bob ong




"pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo.
Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya,
naunahan ka lang"


"Mas babango ba ang rosas kung mag-iiba ng pangalan?"


"Kabutihan ba ang hindi paggawa ng kasamaan??"


"Kulang ba tayo sa pagmamalaki? 
Ito ba ang dahilan kaya pinalitan ng Philippine Eagle ang
maya bilang pambansang ibon? 
May mali nga ba sa mga simbolo ng ating kasarinlan at idelohiya?"


"Hiwalayan na kung di ka na masaya.
Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."


"Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka,
wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply
ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy
at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol
ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit?
Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob
mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo
kang tanggapin na hindi ang puso, utak o atay o bituka mo ang may kasalanan
sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"


Bob Ong Quotes



No comments:

Post a Comment