Tagalog Love Quotes For Her

Tagalog Love Quotes For Her


Lahat ng bagay may dahilan, dahilan para magaral, 
dahilan para umasenso sa buhay, dahilan para magmahal. 
Pero kung hindi mo pa mahanap ang dahilan para ikaw ay sumaya, 
nandito lang ako! Kahit dahilan lang...


Hindi ibig sabihin magiging kayo kapag minahal mo ang isang tao,
Di ka dapat umasa lalo na kapag alam mong may mahal na siyang iba. 
Ang importante, nandiyan ka sa tabi niya at handang umalalay at sumalo 
sa kanya sakaling mahulog siya. Di ba? :)


Hangga't maari hindi kita iiwan, hangga't kaya ko hinding hindi ako susuko. 
Hanga't humihinga ako, hinding hindi kita pakakawalan. 
Hindi sa inaangkin kita pero ganoon talaga ako pag nagmahal,
lalaban hangga't alam kong may pag-asa pa sa'yo.


Hindi sapat na andyan lagi ang isang tao para sayo. 
Minsan hindi parin sapat kahit alam mong mahalaga ka para sa kanya. 
Una sa lahat, kailangan alam mo ang pagkakaiba ng "mahal kita bilang boyfriend" 
at "mahal kita bilang kaibigan"
:(


Araw-araw gusto kitang makita, Araw-araw gusto kitang makausap. 
Araw-araw gusto kong sabihin sa'yo na "mahal na mahal kita". 
Kaso araw-araw din akong nasasaktan dahil madalas, KAPILING MO SIYA...


Tagalog Love Quotes For Her


Nasanay ako na nandiyan ka palagi, inaasar ka,
Kinukulit ka at pinapangiti ka. Paano kung isang araw sabihin ko sayong "mahal kita".
Iiwan mo ba siya para sakin? O tuluyang magbabago ang pagkakaibigan natin?


Alam ko hindi ka maniniwala kapag sinabi kong 'miss na miss na kita'.
Akala mo kasi lahat ng bagay biro lang sa'kin.
Pero may isang bagay kang hindi alam tungkol sa akin,
mahilig lang ako maglambing pero hindi ako sinungaling.
Miss lang talaga kita. :)


Madami ka ng napagdaanan, Alam kong matatag kana.
Alam kong hindi ka na basta basta mapanghihinaan ng loob.
Pero kung sakaling may mga bagay na pwedeng magpaiyak sayo,
Don't worry, kung hindi mo talaga kaya, kakayanin natin nang magkasama!


Ang ulan dumarating, gustuhin mo man o hindi, pero sa tuwing bumubuhos ito,
may isang taong handang mabasa kasama mo, Sana alam mong andito lang ako,
handa kang damayan kahit sipunin pa tayo.


Masakit kapag hindi ka nakikita ng taong mahal mo dahil may tinitignan siyang iba.
Pero mas masakit malaman na kahit wala na siyang tinitignan,
Invisible ka pa rin para sa kanya.
OUCH! :(


Tagalog Love Quotes For Her



No comments:

Post a Comment