Random tagalog quotes


Random tagalog quotes

kapag nagkaroon kayo ng puwang sa komunikasyon at hinayaan nyo ito sa mahabang panahon.may isang taong magpupuno nito.doon mawawala ang interes nyo sa isat isa. Dito mag uumpisa ang lamigan at maaring mauwi sa away at hiwalayan. kaya huwag nyong hayaan yung komunikasyon ang mawawala sa kung ano mang relasyong meron kayo ngayon...

Totoo diba?
Diyan talaga ang umpisa.
Kaya kung ma pride ka, kainin mo na yang fried chicken mo sa ngalan ng inyong relasyon lalo na kung may mga batang involve.


May mga taong hindi talaga marunong tumanggap ng pagkabigo. Tandaan, ang isang bagay na iyong inaasam-asam, gaano mo man ibuhos ang oras at pagmamahal ng buong puso mo, kung ito ay hindi itinakda na para sayo, kailanman ay hindi magiging iyo

BAWAL UMIBIG. NAKAMAMATAY!

Kung may ganyan ba namang babala na nakapost sa noo ng taong gusto mo bago ka pa mahulog sa kanya ng husto, sana eh nakaiwas ka na agad. Sana di ka nasasaktan ngayon. Kaso minsan may senyales na nga eh binabalewala mo pa.

“ANG TAMPUHAN”

Girl: Sweetheart, kunwari tayo na talaga forever, sino ang mas gugustuhin
mong unang mamatay sa ating dalawa?

Boy:(nabigla) Uh, a-ako?

Girl: Hmph! Selfish, iiwanan mo kong
mamimighati?

Boy:(nag-isip) Ay, ano, i-ikaw pala!

Girl: So, lumabas din ang totoo! Ako pala! How could you!

Boy: Ha, hindi, ano, Um, Eh di sabay tayo.

Girl: Nandamay ka pa! Sabi ko na ba’t sa hukay kahihinatnan nitong relasyon na ‘to e!

BREAK NA TAYO!

BOoooom!

Ang LOVE parang paboritong bagay mo yan..

Minsan kala mo wala na..
Malulungkot ka..

Tas makikita mo..
anjan pa..

Minsan akala mo hindi mo makita..
Hindi ka mapakali..

Tas malalaman mo..
Napatago lang pala..

Kadalasan pag nawala..
Umaasa kang babalik pa..
Na makikita mo pa..

Pero ang pinakamasakit sa lahat..
Eh yung umaasa ka na na-MISPLACE mo lang..

Pero napulot na pala ng iba..
at kahit kailan.. Hindi na ibabalik pa.

Random tagalog quotes



No comments:

Post a Comment