Pinoy Jokes 1
Akyat Bahay - Pinoy Jokes
Juan: Bos pano natin to nnakawin e nakapadlock?
Pedro: Tnga ka ba? Gagamitin natin yung lagari para masira.
Juan: Ah ganun ba? Boss hindi naman siya nakalock e....
Pedro: Hay! Kung hindi ka ba naman isang malaking tnga. Edi ilock mo muna para malagari natin tapos ska natin nanakawin.
Sa Fiesta
Boy 1: Bakit ba ayaw mong maniwala na hindi ako ang lumantak sa letson?
Boy 2: Sinungaling ka!
Boy 1: Maniwala ka. Hindi ako ang my sala.
Boy 2: Paano ako maniniwala e punong puno ng sarsa yang bibig mo!
Suicide - Pinoy Jokes
Boy 1: Anong gagawin mo?
Boy 2: Sawa na ako sa buhay ko. Magpapakamatay na ako.
Boy 1: E bakit sa paa nakatali yang lubid. Dapat sa leeg.
Boy 2: Ayoko na sa leeg. Sinubukan ko na kanina kaso ang hirap huminga.
Pulis Patola
Pinara ng tngang Pulis ang isang sasakyan.
Pulis: Bakit kayo may wang-wang? Di nyo ba alama na pinagbabawal na yan?
Drayber: Pasensya na po nagmamadali lang kasi kami. May pasyente po kasi kami sa loob.
Pulis: Pasyente? Bakit ano ba 'tong sasakyan niyo?
Drayber: Ambulansya po!
Wang wang...
Humanitarian - Pinoy Jokes
Juan: sa tingin mo anong ibig sabihin ng vegetarian?
Pedro: Vegetarian? edi yung mga taong kinakain lang ay gulay.
Juan: Ah..ok, nakakatakot pala yung mga Humanitarian.
Pedro: Bakit naman?
Juan: Isipin mo na lang kung ano yung kinakain nila.
Operation Tuli
Boy 1: Oi! Ano tong pinagkakalat mo na sup0t daw ako?
Boy 2: Hindi ah! Sabi ko lang na malapit ka nang tuliin. Pero di ko sinasabing supot ka. Alam ko namang malilintikan ako sa'yo eh.
Boy 1: Good! Kala ko binuko mo na ako eh!
Mabait na Holdaper - Pinoy Jokes
Holdaper: Holdap to! Akina laman ng pitaka mo.
Biktima: Pasensya na po walang laman ang pitaka ko e.
Holdaper: Ganoon ba? Paano yan?
Biktima: Kung gusto niyo po kukuha muna ako sa bahay tapos balikan ko na lang kayo dito.
Holdaper: O sige. Aantayin na lang kita dito. Bumalik ka na lang pag may laman na yang pitaka mo. Buti na lang mabait ako.
No comments:
Post a Comment