Tagalog Jokes
Sa Operating Room
Doctor: Tapos na ang operation. Tell me if nakakakita kana.
Juan (Bulag): Doc, wala pa rin po. Ang dilim pa rin.
Doctor: Anak ng! Wala ka talagang makikita kasi nakapikit ka pa. Subukan mong idilat...
Onli in da Philippines - Tagalog Jokes
Sumakay ng taxi ang hapon.
Nakakita siya ng Honda
Hapon: O Honda...Honda made from Japan, very very fast...
Nakakita siya ng Suzuki...
Hapon: O Suzuki....Suzuki made from Japan, very very fast...
Nakakita naman siya ng Toyota...
Hapon: Oh...Toyota, from japan also...very fast too...
Pagbaba niya ay siningil siya ng drayber ng 1 thousand.
Hapon: 1 thousand? Why so expensive?
Drayber: Taxi meter made from da Philippines, very very fast.
Boracay Baby!
Pedro: Bilisan mo dyan maligo punta tayo ng barangay!
Juan: Oo sandali lang, Wag kang sumigaw, di ako bingi!
After 15 minutes.
Pedro: Oh bakit naka swimming trunks ka?
Juan: Akala ko ba pupunta tayo sa boracay?
To All the Girls....
Paano mo malalaman kung snatcher ang 1 guy? Simple lang. Di siya sa dibdib mo nakatingin. Sa kwintas mo.
Usapang Daga - Tagalog Jokes
Daga1: Ako matapang na daga a kain a racumin...
Daga2: Ang weak mo pre. Ako matapang na daga a kain a cheese w/ mouse trap.
Daga3: Mga bading ba kayo? Aq matapang na daga dahil sa syota ko
Daga1: Bakit ka naman naging matapang sa syota mo?
Daga2: Bakit sino ba syota mo?
Daga3: Si Miming yung pusa!
Sa Classroom
Teacher: Bakit bagsak ang exam mo ngayon Juan? Dati naman magkasing taas kayo ni Pedro. Bakit ngayon bagsak na?
Juan: Kasi po di ko na katabi si Pedro.
No. 2! - Tagalog Jokes
Girl: Aminin mo na kasi..may number.2 ka!
Boy: Wala nga...
Girl: Wag kang magsinungaling. Sabihin mo na kasi para matapos na 'to
Boy: Bakit ba ayaw mo maniwala? Wala nga...sasabihin ko naman sa'yo pag meron na.
( eksena ng dalawang estudyanteng nagkokopyahan )
Night Shift
Ama: Walang hiya ka! San ka na naman galing at bakit inumaga ka na naman? Saan ka ba nagpupunta ha?!
Anak: Dad, don't you remember? Night shift ako. Sa call center ako nagwowork.
Ama: ........
Blush on at Lipstick - Tagalog Jokes
Anak: Maniwala ka po hindi ako bakla.
Ama: Asus anak..matanda na ako pero hindi mo ako maloloko.
Anak: Bakit po ba ayaw niyo maniwala na hindi ako bakla? Give me a reason...
Ama: Tumingin ka sa salamin para malaman mo.
Tumingin sa salamin ang anak.
Anak: Bakit ano po bang masama sa blush on at lipstick ko?
Tagalog Jokes 1
No comments:
Post a Comment